Sunog at Biglaang Pagkakasakit o Pagkakapinsala
Sunog
Mangyaring sundin
ang mga nararapat na pag-iingat kung may sunog, dahil ang sunog ay nagdudulot
ng malubhang pinsala sa inyo at sa
inyong mga kapitbahay. Kung mayroong sunog,
- Tawagin ang pamilya gamit ang malakas na boses para lumikas sila
- Mangyaring ipabatid sa inyong mga kapitbahay sa pagsigaw ng “sunog” o “kaji”.
- Kung mayroong sunog, tumawag ng bumbero sa pamamagitan ng pagdayal sa telepono ng 119.
Gawin ang mga hakbang na nakasaad sa itaas at tumugon
sa sitwasyon ng mahinahon.
Biglaang Pagkakasakit o Pagkakapinsala
Tawagan ang telephone number na 119 kung
mangangailangan ng ambulansya o kailangang itakbo kayo sa
emergency room ng dahil sa biglaang
pagkakasakit o malubhang
pagkakasugat.Alalahanin lamang na isa-ayon ito sa pagkalubha ng inyong
sitwasyon. Kung hindi naman ganoon kalubha ang inyong pinsala at kakayanin
ninyo naman pumunta ng sarili sa ospital o klinika, huwag na po nating tawagin
ang ambulansya. Kapag ang tao ay hindi sumagot o hindi humihinga, o kaya kung
may biglaang matinding sakit ng ulo o sumikip ang dibdib, agad na tumawag ng
ambulansya.
Biglaang Pagtawag sa Kagawaran ng Sunog (119)
Kung tatawag ng biglaan sa
kagawaran ng sunog, sikaping isalaysay sa
wikang hapon ang mga maliliit na kaalaman tulad ng klase ng kagipitan, lugar,
at iba pa, at ibigay rin ang inyong pangalan. Kung mayroong marunong magsalita ng wikang Hapones sa
inyong paligid, ibigay ang inyong telepono, at pakiusapan
na lang po ang mga ito na isalaysay nila kung ano ang nangyari.
Mga katanungan at kasagutan kung tatawag sa 119:
Q: Nani ga atta ka. (Ano ang nangyari?)
A: Kaji desu. (Mayroong sunog!) A: Kyu
kyu desu. (Ambulansiya!)
Q: Basho wa doko ka. (Saan nangyari?)
A: …ku, …cho, …chome, …banchi (…ku, …cho, …chome, …banchi)
…kosaten no hokusei kado desu. (Sa
hilagang kanlurang kanto sa intersection
ng ….)
Q: Dono yo na jokyo ka. (Ano ang kalagayan?)
A: Ie ga moete imasu.
(Nasusunog ang bahay.)
A: Keganin ga
imasu. (May taong nasugatan.)
Q: Namae wa. (Ano’ng pangalan mo?)
A: ……desu. (Ako ay si …….)
Q: Denwa bango wa. (Anong telepono mo?)
A: ……desu. (Ang telepono ay …….)
Upang maiwasan ang sunog
- Upang maiwasan ang sunog, sundin ang nakasulat sa ibaba.
a) Huwag na huwag kayong manigarilyo ng nakahiga at magtapon ng sigarilyo.
b) Siguraduhing patayin ang apoy ng kalan pag lumayo kayo sa kalan.
c) Ilayo ang stove sa mga bagay na maaaring masunog.
d) Gamitin ang mga appliances ng tama at huwag isaksak ang maraming plug sa isang outlet.
e) Huwag magpalaro sa mga bata ng pospro at lighter.
f) Huwag ilagay ang mga bagay na madaling sunugin sa paligid ng bahay para maiwasan ang sunog.
g) Dalhin ang mga basura sa araw na pagkokolekta. - Para malaman agad na nagkasunog at mabawasan ang pinsala, kailangang ikabit ang fire alarm para sa bahay.(kailangan ikabit ang alarm sa lahat na bedroom, kusina at hagdanan na may bedroom)
- Mag-ingat din sa nakasulat sa ibaba para hindi lalaki ang sunog..
a) Gamitin ang mga gamit na hindi madaling masunog sa mga gamit sa bedroom, apron at iba pa.
b) Maghanda ng fire extinguisher at iba pang gamit para magamit ito pag may sunog. - Makipagkilala sa mga taong kapit-bahay para ipagtanggol ang pamilya mula sa sunog