Itaas na Pahina

Mga Pook Pasyalan sa Nagoya

Ang link sa Social media ay magbubukas sa bagong window

i-Print2008-10-01

Higashiyama Park (Higashiyama Zoo and Botanical Gardens, Higashiyama Sky Tower)

Larawan ng Higashiyama Park (Higashiyama Zoo and Botanical Gardens, Higashiyama Sky Tower)

Ipinagmamalaki na isa ito sa mga pinakamalalaking zoo sa Asya, ang Higashiyama Zoo ay mayroong higit na 570 uri na mga hayop sa koleksyon nito. Ang Botanical Gardens naman ay kilala sa mga halamang tropikal at maaaring makawilihan sa buong taon ang mga halamang ito sa greenhouse sa nasa temperaturang tropiko. Nandito ang Higashiyama Sky Tower kung saan maaaring makita ang kabuuan ng Nagoya.

Tsuruma Park

Larawan ng Tsuruma Park

Itinayo noong 1909, ang Tsuruma Park ay ang unang parkeng ginawa Lungsod ng Nagoya. Ang parke ay mayroong fountain at entablado, mga simbolo ng harding Pranses, mga puno ng sakura, at mga halamang tulad ng azalea, rosas, Japanese iris, at iba pang halamang namumulaklak ng maaaring kawilihan sa buong taon.

Shirotori Garden

Larawan ng Shirotori Garden

Ang Hardin ng Shirotori ay isang Japanese garden na taglay ang disenyo hango sa topograpiya ng rehiyon ng Central Japan, at makikita rito ang isang marikit na hardin na mayroong lawa sa gitna nito at isang sapa na amino’y nagsasaad ng “kuwento ng tubig” na umaagos patungo sa karagatan. Mayroon ding Suitei, isang tea-ceremony house sa orihinal na disenyong Sukiya na hango sa pagdapo sa lupa ng isang ibong sisne. Ang mapayapang hardin at ang eleganteng arkitektura ay tunay na nagtutugma.

Togokusan Fruit Park

Larawan ng Togokusan Fruit Park

Ang Togokusan Fruit Park ay isang parkeng pang-agrikultura na maraming pinaggagamitan. Ito ay matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng paanan ng Bundok Togoku. Maraming mga klaseng prutas at halamang pinatutubo sa mga pasibulan at taniman dito gaya ng peach, pear, mansanas, at persimmon. Mayroon ding mga saging, papaya, mangga, at iba pang mga prutas tropiko sa mga pasibulan dito.

Pampublikong Aquarium ng Nagoya Port

Larawan ng Pampublikong Aquarium ng Nagoya Port

Ipinagmamalaki ang Pampublikong Aquarium ng Nagoya Port bilang isa sa mga pinakamalaking pool sa buong mundo. Ipinakikita dito ang iba’t-ibang uri ng mga hayop na mula sa daga at ang gawing Timog ay nagpapakita ng “Paglalabay sa Antarktiko” at ang Hilagang bahagi naman ay may temang “Mga Hayop na bumalik sa karagatan pagkatapos ng 3.5 bilyong taon.”

Nagoya City Museum

Larawan ng Nagoya City Museum

May higit-kumulang na 200,000 na obra sa koleksyon nito, ang Nagoya City Museum ay isa sa mga nangungunang museong pangkasaysayan sa bansang Hapon. Ang kasaysayan ng Owari, Primitibo hanggang sa Makabagong Panahon ay makikita sa mga permanenteng silid pangeksbisiyon nito na nahahati sa 16 na tema. Ang museo rin ay may isang galeriya, video museum, at isang magandang Japanese garden sa labas nito.

Nagoya City Art Museum

Larawan ng Nagoya City Art Museum

Ang pagkakaroon ng mapayapa at puting harapan nito na kapansin-pansin sa kaluntianan ng Shirakawa Park sa sentro ng Nagoya, ang Nagoya City Art Museum ay nagpapakita ng mga permanenteng eksibisyong sining kasama ang obra ni Amedeo Modigliani na “Little Girl with Pigtails” (Batang Babaeng Naka-Tirintas) at ang katangi-tanging museo sa Japan na may koleksyon ng mga obra ng sining Mehikano. Marami ring makikitang obra ng mga kilalang lokal na pintor dito.

Nagoya City Science Museum

Larawan ng Nagoya City Science Museum

Bilang isahang museong pang-agham, ipinagmamalaki ng museong ito ang isa sa mga kilalang planetaryo maliban sa mga eksibit na pang-agham na matutunghayan dito, ito ay maaaring kawilihan ng iba’t-ibang mga bisita bata man o matanda.

Nagoya Boston Museum of Fine Arts

Larawan ng Nagoya Boston Museum of Fine Arts

Ito ay ang kapatid na museo ng Museum of Fine Arts sa Boston. Ang Nagoya-Boston Museum of Fine Arts ay nagtatanghal ng mga bagong eksibisyon ng mga sining na napili sa museo sa Boston ayon sa isang napiling tema.