Itaas na Pahina

Mga Tanawin sa Nagoya

Ang link sa Social media ay magbubukas sa bagong window

i-Print2008-10-01

Nagoya-eki

Larawan ng Nagoya-eki

Bilang pinakabungad ng Lungsod ng Nagoya, ang Istasyon ng Nagoya ay nagsisilbing daanan ng higit sa isang milyong pasahero araw-araw. Ang istasyon ay napalilibutan ng mga department store, hotel, at mga gusaling pang-opisina at ipinagmamalaki rin nito ang pinakamalaking underground shopping complex sa Aichi Prefecture.
Maliban sa JR Central Towers na itayo noong 1999, may mga bagong gusali gaya ng 47-palapag na Midland Square Building na may 243 metrong taas at natapos itayo noong 2006 malapit sa Silangang Labasan ng istasyon. Sumunod namang binuksan ang Lucent Tower noong 2007. Ang gusaling ito ay may 40-palapag at 180 metrong taas at matatagpuan sa Hilagang Labasan ng istasyon sa may bahagi ng Ushijima Minami. Bukod pa rito, ang 170 metrong taas na Mode Gakuen Spiral Towers ay bukas na simula Pebrero 2008. Iba’t-iba pang mga proyektong pangkaunlaran tulad nito ang ipinatutupad bilang daan tungo sa ika-21 siglo ng Nagoya.

Nagoya Port

Larawan ng Nagoya Port

Ang Nagoya Port ay binuksan noong taong 1907. Sa kasalukuyan, may 300 barko, kasama na ang mga malalaking barkong pang-kargamento, iba’t-ibang sasakyang pandagat, at ferry o bangkang pantawid ay puwedeng mag-angkla at dumaong sa pantalan nito nang sabay-sabay. Ang Nagoya Port ang pinakamalaking daungan sa bansa ayon sa dami at halaga ng mga kalakal ng ibinababa at isinasakay ditto. Ito ang pangunahing daungan para sa internasyunal na kalakalan. Marami ring mga nakakawiling mga tanawin na mapapasyalan ng mga turista sa paligid nito gaya ng Port of Nagoya Public Aquarium, Nagoya Maritime Museum, Port Building, at amusement park.

Nagoya Castle

Larawan ng Nagoya Castle

Ang kastilyong ito ay ginawa sa kautusan ni Tokugawa Ieyasu upang maging tirahan ng angkan ng Owari Tokugawa. Natapos itong itayo noong taong 1612. Larawan nito ng pinagsama-samang katangian at kahusayan pang-arkitektura noong panahon ng Momoyama. Subali’t ito ay natupok ng apoy noong panahon ng digmaan taong 1945 at ang tore ng kastilyo na makikita sa kasalukyan ay itinayong muli noong taong 1959. Ang isinaayos na kastilyo sa pagkakadagdag ng mga pasilidad gaya ng silid na pang-eksibisyon na nasa ika-3 hanggang 5 palapag, na nagsisilbi bilang museo at lugar na paglibangan ay binuksan noong 1997. Ang ika-7 na palapag ay nagsisilbing lugar -obserbasyon.
Nasimulan na rin ng Lungsod ng Nagoya ang proyekto nitong “NC400”. Ang NC ay nangangahulugang “Nagoya Castle”, “Nagoya City”, at “Nagoya Culture”, at ang 400 naman ay para sa bilang ng taon mula nang naitatag ang Nagoya. Sa pagdiriwang ng ika-400 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Nagoya sa taong 2010, ang pamahalaang lungsod ay nagbabalak na isaayos at ibalik muli ang Honmaru Palace ng kastilyo. Ito ay minsang naging world-class culture heritage at tinuturing na sagisag ng tradisyon at kultura ng “paglikha” ng Nagoya.

Sakae

Larawan ng Sakae

Ang Sakae ay ang pinakapopular na lugar sa Nagoya na binubuhay ng iba’t-ibang nakawiwiling mga bagay na makikita at mga gawaing ginaganap dito buong araw. Maliban sa Nagoya TV Tower, ang unang tore sa Japan na nagsilibi bilang sabay na broadcast at observation tower, matatagpuan din dito ang Oasis 21, isang bagong simbolo ng lungsod na binuksan noong 2002. Makikita sa Oasis 21 ang kakaibang disenyo nito mula sa pagkakagawa ng “Spaceship Aqua” at ng parke sa paligid nito at ng open-air space nito sa ibabang bahagi nito na tinaguriang “Galaxy Platform” kung saan ginaganap iba’t-ibang mga gawain.
Ang Nagoya TV Tower na tinaguriang isa sa mga pambansang kultural na bagay ay binuksan muli noong 2006 sa pagkakaroon nito ng mga bagong lugar gaya ng restoran, kapihan, galeriya, at liwasan.

Kanayama

Larawan ng Kanayama

Bilang isang istasyon para sa subway, at linya ng tren gaya ng Meitetsu at JR, ang Kanayama ay isa sa mga pangunahing istasyon sa Nagoya. At dahil din sa pagkakabuo ng Meijo Subway Loop Line at pagkakabukas ng Central Japan International Airport, kapansin-pansin ang pagiging makabuluhan ng lugar na ito. Makikita malapit sa istasyon ang iba’t-ibang mga lugar na madalas bisitihin dito gaya ng “Museo ng Pinong Sining ng Nagoya Boston”, mga hotel, at ang Asunal Kanayama Complex na nag-uugnay ng pampubliko at komersyal na mga pasilidad.

Horikawa River

Larawan ng Horikawa River

Ang Ilog Horikawa ay nilikha noong 1610 kasabay ng pagtatayo ng Nagoya Castle. Ito ay nagsilbing lagusan ng tubig patungo sa kastilyo at sa kabayanan sa paligid ng kastilyo. Ang tabi ng ilog ay naging lugar kung saan ang mga mangangalakal ng bigas, produktong dagat, kahoy at iba pang produkto ay nagtitipun-tipon at masasabing isa ito ay nagtaguyod ng ekonomiya ng Nagoya noong panahong iyon. Ang Nayabashi (Tulay ng Naya) ay itinayong muli noong 1913 at isinaayos noong 1981. Taglay ang isang maganda at makalumang disenyo ang tulay na ito ay naging kilalang puntahan.
Dahil sa mabilis na pag-unlad ng Nagoya, naging hindi na kaaya-aya ang tubig ng ilog. May mga plano ang lungsod upang buhayin muli ang ilog bilang “isang maringal at buhay na haligi kung saan umiinog ang lungsod.” Kasabay ng layuning buhayin muli ng ilog sa pamamagitan ng paglilinis nito, ang tabi ng ilog ay pinagaganda upang ito pa ay maging kaaya-ayang lugar-pasyalan, at upang mapalawak pa ang interes ng karamihan sa mga gusali, mga makasaysayang lugar, at iba pang kilalang lugar na malapit dito.

Ilog Yamazaki

Larawan ng Ilog Yamazaki

Bilang isa sa mga 100 na pinakamagagandang lugar na napili sa bansang Hapon kung saan makakapanood ng pamumulaklak ng sakura, at ang Ilog Yamazaki ay kilala sa pagkakaroonng mga puno ng sakura sapaligid nito. Ang humigit-kumulang na 620 puno ng sakura na sa bawat gilid ng ilog ay makikitang nakahanay mula sa Tulay ng Ishikawa hanggang Tulay ng Aratama na may layong umaabot sa 2.8 km.

Hirokoji-dori

Larawan ng Hirokoji-dori

Mula noong Panahon ng Meiji (1868-1912) hanggang sa simula ng Panahon ng Showa (1926-1989), ang pagbubukas ng ikalawang “street trolley” sa bansang Hapon at ng pagdami ng mga department store, kainan, at mga negosyo dito, ang Hirokoji-dori ay naging mas tanyag, at naging pinakapangunahing kalsada sa Nagoya.

Hisaya-odori

Larawan ng Hisaya-odori

Noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, halos ang nasira ng apoy ang karamihan sa mga pook sa Nagoya. Noong panahong isinasaayos muli ang lungsod, 100 metrong malalawak na mga kalsada ang sadyang iginuhit sa plano na magiging daanan patungo sa sentro ng lungsod, sa pagsasaalang-alang ng inaasahang daloy ng trapiko, anyo, at lalo na ukol sa mga hakbangin upang maiwasan ang mga sakuna. Ang Hisaya-odori ay bumabaybay mula hilaga hanggang timog at ang Wakamiya-odori naman ay mula silangan hanggang kanluran. Upang mapakinabangan pa ang gitnang bahagi ng Hisaya-odori, mayroon parke dito kung saan puwedeng maranasan ang pagpapalit-palit ng panahon, sa sentro ng lungsod.

Nagoya Higashiyama Forest

Larawan ng Nagoya Higashiyama Forest

Marami pa ring mga puno at latian ang makikita sa Higashiyama Park at Heiwa Park. Ang kagubatang ito na makikita sa lungsod ay pinag-iingatan bilang yaman na isa sa mga sumasagisag sa luntiang lungsod ng Nagoya. Sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan, negosyante, at pamahalaan ng Nagoya, ang kagubatang ito ay lalo pang pinagaganda upang lalo pa itong mahalin at pag-ingatan ng mga mamamayan.

Nagoya Nishi Forest

Larawan ng Nagoya Nishi Forest

Sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan, at pribadong sektor, pamahalaan ng lungsod ng Nagoya ay nagtatanim ng mga puno upang gumawa ng isang kagubatan sa Todagawa Green na nasa kanlurang bahagi ng lungsod. Sa layuning paglikha ng isang luntiang kagubatan upang maranasang ang kagandahan ng katubigan at mga luntiang halaman, ang kagubatang ito ay isa mga magiging pamana ng Nagoya sa mga susunod na henerasyon.

Fiesta ng Nagoya

Larawan ng Fiesta ng Nagoya

Ito ay isang malaking pagdiriwang na nagbibigay kulay sa panahon ng taglagas sa Nagoya. Ang pinakaitinatanghal sa piyestang ito ay ang magarbong parada sa sentro ng Nagoya. Kasama sa parada ang Prusisyon ng Tatlong Dakilang Samurai na sina Oda Nobunaga, Toyotomi Hideyoshi, at Tokugawa Ieyasu, ang lahat ay may makabuluhang kaugnayan sa Nagoya. Isa pang makikita dito ay ang parada ng mga float ng mga pagtatanghal ng mga de-makinang manika. Marami ring ibang mga kaganapan tulad ng mga sayaw at eksibisyon ang ginagawa sa buong lungsod tuwing piyesta nito.